AZOMICO
para sa pagtatago ng kape
Isa sa mga obra maestra ng XLVI, ginawa para hangaan at magbigay ng katangi-tanging kape. Bukod-tangi ang disenyo, mataas na kalidad ng materyales at napakahusay na paggana, narito ang Azomico, isang sistemang dinisenyo para mapreserba ang mga espesyal na kape. Dalawang taon ng pagdidisenyo, kung saan gumawa kami ng mga test, karagdagang pagbabago at nagsaganap ng mga paggaya sa mga kondisyon ng paggamit at mga problemang nararanasan araw-araw sa bar.
Paano gumagana: Ipinapasok ang nitrogen sa mga silo sa presyon na mas mataas sa 2 bar: sa ganitong partikular na kondisyon, napapanatili ng mga buto ang kanilang katangi-tanging gas at amoy, habang nananatiling puro at buo hanggang sa oras ng ekstraksyon. Sa ganitong paraan, pinapatagal ng nitrogen ang buhay at kalidad ng mga buto, habang iniiwasan ang mga negatibong epekto dulot ng panahon at oksidasyon.
Ang Azomico ay lisensyadong proyekto na pag-aari ng XLVI.